-- Advertisements --

Binatikos ni US Secretary of State Mike Pompeo ang ginagawang pananakop ng China sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Sinabi nito na hindi makatarungan ang ginagawangito ng China lalo na at tila nananakot pa ang ito sa mga bansang umaangkin din sa mga isla.

Dagdag pa nito na hindi papayag ang buong mundo na tratuhin ng China ang South China sea na kaniya ito.

Magugunitang inaangkin ng China ang 1.3 million square mile ng South China Sea bilang sovereign territory at nagtayo pa sila ng mga military facilities sa iba’t-ibang isla.

Pinagaagawan din ng mga bansa gaya ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Brunei at Taiwan.