-- Advertisements --

Sinuspendi ng US ang lahat ng mga flights ng Chinese airlines papasok at palabas ng kanilang bansa.

Ayon sa US Transportation Department (DoT) , nagsimula na ang mga passenger service noong Hunyo 1 subalit nabigo ang gobyerno ng China na aprubahan ang kanilang request na isang malinaw na paglabag sa Transport Agreement.

Magiging epektibo ang suspension sa Hunyo 16 subalit magiging agaran itong maimplementa kapag naaprubahan na ni US President Donald Trump.

Binawasan kasi ng US air carriers ang kanilang serbisyo sa China dahil sa coronavirus pandemic.

Nagsumite na rin ng aplikasyon ang United at Delta airlines noong Mayo sa pagtutuloy na ng flights subalit hindi pa sila nabigyang ng authorization mula sa Civil Aviation Authority ng China.

Bago pa man ang coronavirus pandemic ay aabot sa 325 kada linggo ang flights ng US at Chinese carriers sa pagitan ng dalawang bansa.