Hindi nagustuhan ng US Conference of Catholic Bishops (USCCB) ang paninindigan ni US President Joe Biden kaugnay sa abortion rights.
Nagkainitan sa online ang mga US Catholic bishops tungkol sa kanilang nais na gumawa ng dokumento na magtuturo sa mga politiko na sumusuporta sa abortion.
Nagkabanggaan ang mga obispo matapos may ilan ang bumoto na i-ban na ang pangulo ng Amerika sa pagtanggap ng Holy Communion.
Ang Holy Communion ang siyang pinakamahalagang ritual sa Catholic Christian faith at si Biden ay regular na dumadalo ng mga Church services.
Ipinahiwatig naman ng Vatican ang pagtutol nito sa balak ng mga obispo.
Matapos ang debate, iniulat ni Most Reverend Allen H Vigneron, vice-president ng USCCB nakapagtala sila ng 168 na boto kung saan sa 55 ay 6 abstentions sa ginawang botohan.
Nagbabala naman si Most Rev Robert McElroy, bishop of San Diego na hahantong sa “weaponisation of the Eucharist” ang nasabing hakbang.
Gayunman, sinabi ni Most Rev Liam Cary, ang obispo ng Baker, Oregon, na ang Simbahan ay nasa “unprecedented situation”, kasama ang “pangulo na halatang tutol sa pagtuturo” ng Simbahan.