Posible umanong maharap sa parusang kamatayan ang isang American bitcoin trader at kanyang girlfriend matapos na akusahan na paglabag sa soberenya ng Thailand.
Ito ay makaraang magtayo sila ng “sea home” sa karagatang sakop ng Phuket.
Una nang umalis sa kanilang bahay sina Chad Elwartowski at kanyang partner na si Nadia Supranee Thepdet at nagpatayo ng platform sa layong 12 miles mula sa coastline ng Phuket.
Nagtago ang dalawa matapos i-revoke ng mga otoridad ang kanilang American visa.
Giit naman ng mga ito, ang pagpapatayo nila ng platform ay nasa labas na raw ng Thailand “territorial waters.”
Bagay na mariin namang kinontra ng mga otoridad mula sa Thai Royal Navy.
Ang six-meter platform ay nasa 13 nautical miles mula sa Thailand at umano’y nasa international waters.
Samantala sa social media account ni Chad, kanyang pinapalaganap ang pagtira at pagpatayo ng seasteads na hindi sakop ng mga batas ng isang bansa o kaya naman sa pagbubuwis.
Ang kompaniyang Ocean Builders, na nasa likod sa pagpatayo ng seasted ni Elwartowski ay nagsabi naman sa isang statement na ang pagpabuo nila sa bahay ay magbubukas sana sa pagpatayo ng 20 pang units.
Ang nasabing couple naman ay mga volunteers at labis daw ang “excitement” na mamuhay ng malaya.
Una na ring naghayag ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng Facebook si Chad at hindi na niya matiyak kung nakatayo pa ang kanilang tahanan sa dagat.
“Nadia and I are still safe…Whether it is still there or not does not matter much to me. I’m more concerned about Nadia being driven from her home country and her family. Her son is worried. I hope they can be reunited some day soon.”