-- Advertisements --

Sinuspendi ng New York State Athletic Commission ang American boxer na si Ryan Garcia.

Ito ay matapos na magpositibo siya ng performance-enhancing drugs.

Dahil dito ay ikinonsidera na ang panalo niya noong Abril 20 kay Devin Haney ay no-contest.

Ayon pa sa commission na magbabayad pa ito ng $10,000 at ang kinita niya na $1-milyon ay forfeited.

Muling makakalaban siya sa New York state matapos ang Abril 20, 2025 kung pumasa siya sa drug test.