-- Advertisements --

Naging matagumpay ang unang sabak sa Mixed Martial Arts (MMA) ni undefeated boxing world champion Claressa Shields.

Pinatumba kasi nito si Brittney Elkin sa Professional Fight League na ginanap sa Atlantic City.

Sa unang round ay dominado ng jiu-jitsu brown belt fighter na si Elkin hanggang nakabangon si Shield sa ikatlo at sa huling round.

Ang 26-anyos na si Shields ay nanalo ng gold medal noong 2012 at 2016 Olympics.

Sinabi ni Shields na parang nananagip pa rin siya kung saan pagdating ng ikatlong round aniya ay talagang naging agresibo na ito sa laban.