-- Advertisements --
Bumili ang US Government ng 500 milyon rapid test kits dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus.
Magiging libre aniya ang nasabing test kits para agad na matukoy kung sino ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon naman sa isang mataas na opisyal ng White House na mayroong mas maraming bakuna at suporta ng gobyerno sa mga pagamutan subalit walang magaganap na mga lockdown.
Nauna ng idineklara ng US na iang dominant strain na ang Omicron sa US dahil sa karamihan sa mga kaso ng COVID-19 na naitatala ay dahil sa Omicron.
Kahit na mayroong 73% ng mga mamamayan ng US ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 ay ikinakabahala ng White House ang mga dami pa rin ng hindi nababakunahan.