-- Advertisements --

Bumili ng karagdagang 200 milyon na karagadang doses ng COVID-19 vaccine ang US government sa Pfizer-BioNTech.

Ang nasabing kasunduan ay nagbunsod matapos na magtala ng pagtaas ng kaso ng Delta variant sa nasabing bansa.

Dahil dito ay umaabot na sa 500 milyong doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ang nabili na ng US.

Sa nasabing bilang ay 208 milyong doses na ang nai-deliver.

Ang biniling bakuna ay bukod pa sa 200 milyong doses na Moderna COVID-19 vaccine ng Amerika.