-- Advertisements --
Mike Pompeo
US Secretary of State Mike Pompeo/ IG post

Mistulang nagmamadali ngayon ang Amerika na tipunin ang mga kaalyadong bansa lalo na sa Middle East sa gitna na rin ng umiigting na tensiyon nila sa bansang Iran.

Inamin ni US Secretary of State Mike Pompeo ang kanyang pagbiyahe sa Saudi Arabia at United Arab Emirates dahil sa isyu ng Iran crisis.

Aminado rin si Secretary Pompeo na ang personal niyang pagbisita sa dalawang kaalyadong bansa ay bilang bahagi ng puspusang pagbuo ng “global coalition” upang labanan ang tinawag niyang “world’s largest state sponsor of terror” na Iran.

Sa kabilang nito, tiniyak naman ng top envoy ng Amerika na handa pa rin silang makipagnegosasyon sa Iran pero dapat wala umanong mga “preconditions.”

“We’re prepared to negotiate with no preconditions. They know precisely how to find us,” paliwanag pa ni Pompeo.

Sa kabilang dako tiniyak naman ni Brian Hook, ang US special envoy to Iran at ngayon ay nasa Kuwait, ang kanilang dagdag na puwersa armada sa rehiyon ay pangdepensa lamang daw dahil hindi interesado ang Estados Unidos na makipaggiyera.

Kasabay ng kanyang panawagan sa mga bansa na gamitin ang diplomatic effort upang mapahinuhod ang Iran na maghunos dili sa paggamit ng puwersa.

Kapansin pansin din na ang National Security Adviser ni US President Donald Trump na si Secretarty John Bolton ay nasa Israel para makipagpulong kay Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Jerusalem.

Ang UAE Minister of State for Foreign Affairs Anwar Gargash ay nakiusap din na sana idaan sa dayalog ang gusot sa rehiyon.

“Tensions in the Gulf can only be addressed politically. Crisis long in the making requires collective attention; primarily to de escalate & to find political solutions thru dialogue & negotiations. Regional voices important to achieve sustainable solutions,” ani Gargash sa twitter.”