-- Advertisements --

Pumalo na sa $100 bilyon ang kabuuang yaman ni US businessman Warren Buffet.

Ayon sa Forbes magazine na tumaas ang kita ng kaniyang kumpanyang Berkshire Hathaway.

Umaabot na sa $100.3 bilyon ang kabuuang yaman ni Buffet.

Dahil dito ay kasama na nito sa listahan sina Jeff Bezos, Elon Musk, Bernard Arnault at Bill Gates na mayroong mahigit $100-B na kabuuang yaman.