Naalarma na ang commander ang USS Theodore Roosevelt, isang US Navy aircraft carrier dahil sa nangyaring outbreak ng coronavirus kung saan dumami pa ang nahawa.
Sa lumutang na memo mula kay Capt. Brett Crozier, humihingi ito ng saklolo sa Navy’s Pacific Fleet, upang isalba ang mga crew.
Ayon kay Crozier, hindi naman daw sila nasa giyera kaya hindi kailangan mamatay ang mga sundalo.
Nagbabala pa ito na kung hindi kikilos ang kanilang pamunuan mawawalan sila ng mga tao na kabilang sa kanilang pinakakaingatan.
Nangangamba ito sa tuloy-tuloy na paglaganap ng virus.
Bagamat malaking problema ang paglilipat sa mga sailors, mas delikado naman ang sitwasyon kung mananatili sa barko ang 4,000 nilang mga tauhan.
Sa panig naman ni Secretary of Defense Mark Esper sa ulat ng CBS hindi pa raw niya nababasa ang sulat ng commander pero iniatang na niya ang aksiyon sa Navy chain of command.
Tiniyak din nito ang pagpapadala ng sapat na “supplies and assistance, medical assistance” sa carrier.
Kinumpirma naman ni acting Navy Secretary Thomas Modly na kumikilos na sila ngayon upang magawan ng paraan na ma-isolate ang mga personnel.
Malaking problema kasi ang kanilang kinakaharap lalo na at walang pasilidad ang Guam sa naturang malaking bilang ng mga tao.
Sa mensahe ni Capt. Brett Crozier sa FB page wala naman itong binabanggit ukol sa COVID-19 kasabay nang pagtiyak na pinapangalagaan nila ang kalusugan ng mga sailors.
“Thank you for your continued support of your Sailors, our ship, and the Navy. The TR Team is working with the great folks at Naval Base Guam to get Sailors off the ship and into facilities on base to help spread the crew out. We have also gotten our Wi-Fi set up on the pier, giving your Sailors the ability to get outside, stretch their legs, and contact their loved ones. It’s an all-hands, all-day effort, but your Sailors are doing what is required to keep them and the ship as healthy, clean, and sanitized as possible. Your Sailors are in good spirits and are facing this new challenge with a level of professionalism that I have come to expect from such an amazing and resilient team.”
Samantala ang isa pang aircraft carrier ng Amerika na USS Ronald Reagan ay may kahalintulad ding problema matapos kinapitan din daw ang ilang mga tripulante ng deadly virus.