-- Advertisements --
USS Ronald Reagan
USS Ronald Reagan

Nasa bansa ngayon ang USS Ronald Reagan Carrier strike group ng US Navy para sa isang port call.

Ang Ronald Reagan Carrier strike group ay binubuo ng Nimitz class aircraft carrier USS Ronald Reagan (CVN 76) at Ticonderoga class guided-missile cruisers USS Antietam (CG 54) at USS Chancellorsville (CG 62).

Ang tatlong barkong pandigma ay naka-deploy sa area of Operations ng U.S. 7th Fleet na pang supporta sa seguridad at stabilidad ng Indo-Pacific region.

Sa official statement na inilabas ng US embassy, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na ang pagbisita ay patunay sa matibay na pagakakaibigan, pagsasamahan, at alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pagpapakita rin aniya ito ng “commitment” ng Estados Unidos sa isang malaya at bukas na indo-Pacific Region.

Habang nasa Maynila, ang mga US sailors ay magkakaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang kanilang mga Philippine Navy counterparts, sa mga opisyal na pagpupulong, mga larong pampalakasan, community Relations projects, at Cultural activities.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga media na mag tour sa loob ng barko.