Inihayag ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang updated COVID-19 boosters mula sa Pfizer o BioNTech at Moderna ay naging malaking tulong na maiwasan ang mga sintomas na impeksyon laban sa mga bagong subvariant na nauugnay sa XBB.
Ayon kay Dr. Brendan Jackson, pinuno ng US Centers for Disease Control and Prevention, mayroon silang karagdagang ebidensya upang ipakita na ang mga na-update na bakunang ito ay nagpoprotekta sa mga tao laban sa pinakabagong mga variant ng COVID-19.
Partikular na inilabas kamakailan na tina-target ng mga na-update na booster ang mga variant ng BA.4 at BA.5 at Omicron ng Covid19 virus.
Dagdag dito, ang nangingibabaw sa kasalukuyan na mga subvariant na nauugnay sa XBB ay nagmula sa BA.2 na version ng Omicron.
Una rito, mahigpit pa din na nagpaalala ang naturang organisasyon na mag-ingat pa din dahil nananatili pa rin sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakamamatay na virus na Covid19.