-- Advertisements --
Pinalawig pa ng US Centers for Diseases and Preventions ang kanilang surveillance sa apat na pangunahing paliparan para matiyak na hindi makapasok ang Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay CDC Director Dr. Rochelle Walensky na kanilang mahigpit na sinusuir ang mga pasaherong dumarating sa kanilang bansa.
Kasamang may mahigpit na pagbabantay ay sa dalawang paliparan sa New York City, isa sa Atlanta at sa San Francisco.
Pagdating aniya ng mga pasahero ay sumasailalim ang mga ito sa testing at quarantine.
Nakikipag-ugnayan na rin sa mga iba’t-ibang health officials sa iba’t-ibang estado para malaman ang kalagayan ng Omicron sa kanilang lugar.