Inirekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga buntis.
Kasunod ito ng naiulat na pagdami ng bilang ng mga isinusugod sa ospital na mga buntis na hindi pa nababakunahan na mayroong severe case ng COVID-19.
Ayon sa CDC, ang mga bakuna na maaaring iturok sa mga buntis ay ang nabigyan na ng emergency use authorization kabilang ang Pfizer, Moderna o Johnson & Johnson.
Sinabi pa ng CDC, walang nakita ang mga scientist na increased risk ng miscarriage sa ginawang pag-aaral sa mga buntis na nakatanggap ng Pfizer o Moderna vaccine bago ang 20 linggong pregnancy.
Natuklasan din na walang additional risk sa mga kababaihang nabakunahan matapos ang kanilang pregnancy o maging sa kanilang bagong silang na sanggol.
Nakitaan din ng CDC ng positibong resulta mula sa isinagawang clinical trials na ligtas ang J&J vaccine para sa mga pregnant women.
“CDC encourages all pregnant people or people who are thinking about becoming pregnant and those breastfeeding to get vaccinated to protect themselves from COVID-19,” paliwanag pa ni CDC director Dr. Rochelle Walensky sa isang statement. “The vaccines are safe and effective, and it has never been more urgent to increase vaccinations as we face the highly transmissible Delta variant and see severe outcomes from COVID-19 among unvaccinated pregnant people.” (with reports from Bombo Everly Rico)