-- Advertisements --

Magpupulong pa ang US Centers for Disease Control and Prevention’s Advisory Committee on Immunization Practices sa araw ng Miyerkules matapos na ianunsiyo ng US Food and Drug Administration ang pagpapalawig ng emergency use authorization ng Pfizer-BioNTech para sa mga may edad 12 hanggang 15-anyos.

Mula sa dating anim na buwan na makumpleto ang second dose ay ginawa na lamang nila itong limang buwan na maaari ng iturok ang booster shots.

Papayagan din nila ang third dose ng primary series para sa mg immunocompromised children na may edad 5-11.