-- Advertisements --
Naglabas ng panibagong mga panuntunan ang US Centers for Disease Control and Prevention para hindi na kumalat pa ang coronavirus sa US.
Sinabi ni CDC deputy director of Infectious diseases na ang pandemic ay hindi pa natatapos.
Ilan sa mga panuntunan ay ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.
Ugaliin din dapat ang palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng mga hand sanitizers.
Ipinapayo din nila ang pagkakaroon ng anim na talampakan na layo sa bawat indibidwal.
Dapat rin aniya na isipin din ng mga indibidwal na delikado pa rin ang pagsakay sa mga pampublikong lugar.
Magugunitang maraming mga estado na ang nagpatupad na ng kaluwagan matapos ang ilang buwang lockdown.