-- Advertisements --
Nakatakdang ayusin ng US ang nasirang floating pier na kanilang ginawa bilang temporaryong daanan ng mga tulong sa Gaza.
Nasira kasi ang $320-milyon na halaga ng temporaryo floating pier ng tamaan ng mga malalakas na alon.
Sinabi ni Pentagon Deputy Press Secretary Sabrina Singh na tatanggalin na nila ang nasabing pantalan at ililipat sa pantalan ng Ashdod sa Israel.
Pangungunahan ng US Central Command ang pagsasaayos ng nasabing temporary pier.
Magugunitang nagsimulang mag-operate ang nasabing pier noong Mayo 17 matapos ang ilang linggo ay nasira ito ng hampasin ng malakas na alon.