-- Advertisements --

Muli na namang tinanghal na kampeon ang Pinoy billiard master na si Carlo Biado sa katatapos lamang na Abu Dhabi 9-Ball Championship na ginanap sa Power Break Hall sa United Arab Emirates capital na Abu Dhabi.

biado banares
Carlo Biado (left) with Jordan BaƱares

Kung maalala kamakailan lamang nagwagi rin si Biado sa US Open Pool championship.

Sa torneyo sa Abu Dhabi dinomina ni Biado ang laban kontra sa kababayan din na si Jordan Banares, 13-6, upang maibulsa ang premyo na umaabot sa mahigit P272,000.

Si Biado, na dati ring World 9-Ball champion, ay nanatiling walang talo sa buong torneyo.

Para naman sa Pinoy champion magsisilbi raw maagang pamasko ang panibago na namang korona na kanyang naibulsa.