-- Advertisements --
fishes fish omega 3 seafoods
‘Fatty fish are high in Omega-3s’ (image from WebMD.com)

Lumabas sa pag-aaral ng mga doktor na hindi gaanong bahagi ng pagkain o menu ng mga kabataan sa Amerika ang isda at mga shellfish.

Ito ay kumpara sa ibang sources ng kanilang mga pagkain tulad ng animal protein, halimbawa na ang red meat at karne ng manok.

Sinasabing isa umano sa mga dahilan na pag-iwas ng ilan ay ang pangamba sa mercury na posibleng ma-absorb ng mga isda sa mga polluted waters.

Ang pagkain kasi ng kontaminadong isda ay makakaapekto o makakasama sa “child’s developing nervous system.”

Sa inilabas na bagong technical report mula sa American Academy of Pediatrics (AAP) nitong buwan ng taong 2019 na pinamagatang: “Fish, Shellfish, and Children’s Health: An Assessment of Benefits, Risks, and Sustainability,” ay tinukoy sa outlines ang mga ebidensiya o health advantages ng pagkain ng isda.

Liban sa mayaman sa protina wala ring saturated fat o sugar ang isda.

Marami aniya sa mga klase nito ay mataas sa vitamin D at calcium, lalo na source ng omega-3 fatty acids na ginagamit sa pagbuo ng nerve cells sa utak at sa mata.

Malaking bilang na rin daw ng mga pag-aaral ang lumabas na ang pagsasama ng pagkain ng isda sa diet sa mga bata ng mas maaga pa sa kanilang paglaki ay makakatulong na hindi sila magkaroon ng allergic disease tulad ng asthma at eczema.

“For families who eat meat, fish should be a welcome part of a child’s diet,” bahagi pa ng report ng lead author na si Aaron Bernstein, MD, MPH, FAAP, na isa ring executive committee member ng AAP Council on Environmental Health. “We’re encouraging pediatricians to ask families about fish and shellfish consumption–since most children don’t eat much beyond the occasional fish sticks–and advise them on the healthiest choices.”