Para humupa ang kanilang trade war na nakaapekto na sa global economy, lumagda nitong araw sa isang kasunduan ang Estados Unidos at China.
Sa kanyang naging talumpati sa Washington, sinabi ni US President Donald Trump na positibo siya na magiging “transformative” para sa ekonomiya ng kanilang bansa ang naturang kasunduan na tinatawag ding Phase One Trade Agreement.
Sa delegaasyon ng China kabilang sa sumaksi sa makasaysayang lagdaan ay ang Chinese vice premier na si Liu He.
Tinawag naman ng mga Chinese leaders ang okasyon bilang “win-win” deal na makakatulong para sa ikabubuti ng kanilang relasyon sa Estados Unidos.
Nangako ang China na palakasin ang imports ng US ng $200 billion.
Bilang kapalit dito, pumayag naman ang US na bawasan ng kalahati ang mga bagong taripa na kanilang ipinataw sa mga produkto mula China.
Subalit sa kabila nito ay mananatili naman ang karamihan sa mga border taxes na kanilang itinatakda.
“This is the biggest deal that anyone has ever seen,” ani Trump sa kanyang talumpati. “It’s all a very, very beautiful game of chess, or game of poker, or, I can’t use the word checkers, because it’s far greater than any checker game that I’ve ever seen, but it’s a very beautiful mosaic.”