Binigyang-diin ni US Coast Guard Commandant Admiral Linda Fagan sa ginanap na International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue special session sa “Maritime Law Enforcement and Confidence Building” ang kahalagahan ng mga ahensiyang nagpapatupad ng maritime laws sa kanilang malaking papel sa central geopolitical isyu sa Asia-Pacific.
Kasama ni Admiral Fagan sa nasabing pulong sina Philippine Coast Guard, Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at Japan Vice Admiral Seguchi Yoshio.
Ipinunto ni Fagan na ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa maritime ay dapat magpakita ng propesyonal na pag-uugali sa dagat upang suportahan ang mabuting pamamahala sa karagatan, na kritikal sa pandaigdigang kaunlaran at seguridad ng ekonomiya.
Dagdag pa ni Fagan ang mga masasamang aktibidad tulad ng human at drug trafficking, cyber-attacks, at ilegal, hindi naiulat, at unregulated fishing ay nagtutulak ng kawalang-tatag at nagbabanta sa internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga panuntunan o rules-based international order.
Sa nasabing pulong, binigyang-diin ni Rear Admiral Gavan sa mga kapwa coast guard na itigil na ang water canon attack sa bahagi ng West Philippine Sea.