-- Advertisements --

Itinuturing ng US Coast Guard na nakakabahala ang hakbang na ginagawa ng China sa pag-implementa ng requirements sa mga barko na dumadaan sa territorial waters kabilang na ang West Philippine Sea.

Sinabi ni Vice Admiral Michael Mc Allister ng US Coast Guard na makakasira sa international agreements ang nasabing hakbang na ito ng China.

Nauna rito plano ng China na ang mga barko na dumadaan sa inaakong teritoryo ng China sa West Philippine Sea ay dapat mangailangan silang magbigay ng ulat.

Ang hindi aniya susunod sa kautusan ng China ay kanilang papatawan ng parusa.