-- Advertisements --

Pumanaw na ang komedyanteng si Bob Newhart sa edad na 94.

Kinumpirma ng kaniyang kampo na nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Sinasabing mayroon na itong matagal na iniindang sakit dahil sa kaniyang edad na rin ang sanhi ng kamatayan nito.

Nakilala siya sa kaniyang sariling sitcoms na “The Bob Newhart Show” mula 1972 hanggang 1978.

Bumalik siya sa primetime na “Newhart” mula 1982 hanggang 1990 na tinaguriang matagumpay na palabas sa telebisyon sa US.

Lumabas din ito sa ilang pelikula gaya ng “Elf”, “Horrible Bosses” at ang “Big Bang Theory”.