-- Advertisements --

Kinansela ni English singer Zayn Malik ang kaniyang US tour.

Ang nasabing pagkansela ay matapos ang pagkasawi ni Liam Payne.

Sa social media account nito ay sinabi niya na mabigat ang desisyon na pansamantalang ipagpaliban ang nasabing konsyerto.

Dagdag pa nito na ang kaniyang “Stairway to the Sky” tour sa US ay ililipat na lamang sa ibang petsa.

Kanila pa ring tatanggapin ang mga tickets para sa mga concerts nito sa San Francisco at Las Vegas.

Magugunitang natagpuang patay ang bangkay ng 31-anyos na si Payne matapos na mahulog ito sa isang hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.