-- Advertisements --

Kinansela ng British rocker na si Sting ang tatlong US concerts nito matapos na dapuan ng sakit.

Sinabi nito na pinayuhan siya ng kaniyang mga doctor na magpahinga muna at magpagaling.

Hindi naman na binanggit o idinetalye nito ang kaniyang karamdaman.

Isa sa mga nakatakdang pagtatanghal niya ay sa Bass Magazine Awards sa araw ng Biyernes.

Inilipat din nito ang kaniyang konsyerto sa Phoenix mula sa Enero 24 ay magiging sa Hunyo 1 at maging ang kaniyang concert sa Wheatland, California sa darating na Enero 26 ay inilipat sa Mayo 28.

Hinikayat nito ang mga fans na itago ang tickets dahil ito tatanggapin pa rin sa bagong petsa.

Si Sting o Gordon Summer sa tunay na buhay ay dating miyembro ng English rock band na The Police na nagpasikat ng mga kantang “Every Breath You Take” , “Message In a Bottle” at maraming iba pa.

Bilang solo performer si Sting ay naglabas na ng 14 na studio albums at nagwagi na rin ito ng 11 Grammy awards.