-- Advertisements --
Nancy Pelosi
Nancy Pelosi

Hindi nagpapatinag ang US House of Representatives na magsampa ng impeachment complaints laban kay US President Donald Trump.

Ayon kay US House Speaker Nancy Pelosi, na nakataya ang demokrasya ng bansa at wala na silang magagawa kung hindi gumawa ng hakbang laban sa pangulo.

Dagdag pa ng California congresswoman, na malinaw na inabuso ni Trump ang kaniyang kapangyarihan para sa kaniyang pansariling kapakanan.

Hiniling na nito sa Committe chairman na humahawak sa impeachment ni Trump na ituloy ang articles of impeachment.

Posibleng maganap ang botohan para sa impeachment ni Trump sa House of Representatives bago matapos ang taon at ang pagdinig ng senado ay posibleng maganap sa Enero 2020.

Nauna rito tinawag ni Trump na tila naloloko na ang Democrats para ito ay tuluyang maimpeach kasunod ng pangtanggi nito na walang mali sa pag-uusap nila ng pangulo ng Ukraine kung saan pinapaimbestiga uman nito ang katunggali niya sa pagkapangulo na si dating Vice President Joe Biden.