All-set na ang US House of Congress sa kanilang mga susunod na hakbang sa Trump impeachment inquiry kung saan nakatakda na magbotohonan ang mga ito sa susunod na procedure upang mapabilis pa ang
Inanunsyo ni House Speaker Nancy Pelosi na boboto ang mga ito sa Miyerkules upang isapormal ang hakbang sa naturang impeachment inquiry.
Ang nasabing resolusyon ay magbabalangkas ng mga patakaran para sa public hearings, pagbibigay ng due process rights para sa White House at pagpasa ng impormasyon sa komite na magdedesisyon ukol sa articles of impeachment.
Nilinaw naman ng Democrats na hindi magsisilbing formal authorization ang magaganap na botohan sa impeachment inquiry ngunit dito raw ibabase kung ipagpapatuloy pa ang naturang imbestigasyon sa kabila nang hindi pagsipot ng ilang saksi upang magbigay ng kanilang testimonya.
“This resolution establishes the procedure for hearings that are open to the American people, authorizes the disclosure of deposition transcripts, outlines procedures to transfer evidence to the Judiciary Committee as it considers potential articles of impeachment, and sets forth due process rights for the President and his Counsel,” saad ni Pelosi.