-- Advertisements --

Nagpasa ng pansamatalang hakbang ang US Congress para manatiling may pondo ang gobyerno at maiwasan ang panibagong federal shutdown.

Ang funding bill ay patungo sa opisina ni US President Joe Biden para pirmahan at tuluyang maging ganap na batas na.

Hinabol ng mga mambabatas na ipasa ang panukalang batas para maiwasang maisara ang mga federal museums, national parks at safety programmes.

Nauna ng nagkasundo ang mga Republicans at Democrats sa senad para manatiling bukas ang gobyerno ng hanggang Disyembre 3 sa pamamagitan ng temporary budget.

Nakakuha ng 65 na boto ang sumang-ayon at 35 ang hindi pabor sa senado habang sa House of Representatives ay nakakuha 254 ang tumugon at 175 ang kumontra.