-- Advertisements --
Pormal ng sinirtipikahan ng US Congres ang pagkapanalo ni President-elect Donald Trump noong 2024 presidential election.
Isinagawa ang pagbibilang ng Electoral College vote sa House Chamber ng US Capitol kung saan ito ay naging mapayapa kumpara noong 2021 ng lusubin ng supporters ni Trump ang capitol para pigilan ang deklarasyon.
Dinaluhan ni US Vice President Kamala Harris na siya ring nanguna sa proseso kasama si Speaker of the House Mike Johnson.
Magugunitang nagwagi si Trump at runningmate nito na si JD Vance ng 312 electoral votes laban kina Harris at Minnesota Governor Tim Walz na nakatanggap ng 226 electoral votes.
Itinakda naman sa Enero 20 ang panunumpa ni Trump bilang Pangulo ng US.