Hinarang ng Congressional Republicans leaders ang resolusyon na kumikilala kay President-elect Joe Biden bilang bagong pangulo ng Amerika.
Ito ang panibagong diskarte na ginagawa ng kampo ni US President Donald Trump kung saan hindi pa rin nila matanggap ang pagkatalo nito sa eleksyon.
Nangyari ang pagharang sa isang private meeting matapos naghain ng mosyon si House Majority Leader Steny Hoyer na nagpapatibay na pinaghahandaan na nila ang inagurasyon nina Biden at Vice-President-elect Kamala Harris.
Hinarang nina Senate Majority Leader Mitch McConnell, Rules Committee Chairman Roy Blunt at House Republican Leader Kevin McCarthy ang nasabing mosyon.
Pinipigilan nila ang inaugural committee mula sa pagtanggap sa publiko sa kabilang na paparating na ang inagurasyon ni Biden sa Enero.
Dahil dito, maraming political analyst ang naniniwala na ang kanilang patuloy na pagsuporta sa nais Trump pagkatapos ng halalan ay isang uri nang banta sa demokrasya ng Amerika.
Anila, pinapahina daw ng mga ito ang paniniwala ng mamamayan sa kanilang sistema sa halalan.
“Their continued deference to President Trump’s post-election temper tantrums threatens our democracy and undermines faith in our system of elections,” ani House Majority Leader Steny Hoyer.