-- Advertisements --
trump no

Tinapos na ng US Congress ang isinagawang mga public hearings sa impeachment trials ni President Donald Trump.

Umabot sa 12 witnesses ang naimbitahan sa limang araw na isinagawang bukas sa publiko.

Ilan sa mga lumantad ay ang mga dating top White House officials, US ambassador to Ukraine at European Union ambassador.

Ang mga witness ay ipinatawag na may kinalaman umano sa pag-uusap nina Trump at ng Ukraine president kung saan ipinapaimbestigahan si dating Vice President Joe Biden.

Susunod na hakbang ngayon ng Intelligence committee at dalawa pang House panels ang pag-aaral ng basehan ng articles of impeachment.

Magugunitang target ng mga mambabatas na ma-impeach si Trump bago ang magpasko ngayong taon.