Nagwagi ang korte sa US sa apela nila sa korte ng United Kingdom ukol sa extradition kay Wikileaks founder Julian Assange.
Ang nasabing apela ng US court noong Enero ay kinontra ang pahayag ng korte sa UK na hindi maaring ma-extradite si Assange dahil sa problema sa kaniyang mental health.
Nagbigay kasi ang US ng katiiyakan na hindi magiging mahigpit ang paghawak nila kay Assange kapag naipasakamay na nila ito sa kanila.
Hindi aniya kagaya noong ito ay nasa UK na nagtangka na magpakamatay.
Ayon kay Lord Chief Justice Lord Burnett na naniniwala sila sa katiyakan na ibinigay ng US.
Pinaghahanap kasi ng US si Assange matapos na isapubliko ang ilang libong mga classified documents mula 2010 at 2011.
Tinawag naman ni Stella Moris ang fiancee ni Assange na ang desisyon ng korte sa UK ay delikado at naligaw ang landas kaya nakatakda niya itong iapela.