-- Advertisements --

Dadahan-dahanin ng US ang pagtanggal ng kanilang mga sundalong nakatalaga sa Afghanistan.

Sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby ito ay dahil sa muling pagkubkob ng mga Taliban insurgents sa ilang lugar sa nasabing bansa.

Dagdag pa nito na ang unang nabanggit ni US President Joe Biden na matanggal lahat ng mga sundalo sa Afghanistan sa Setyembre ay maisasakatuparan depende sa sitwasyon sa lugar.

Dahil aniya sa patuloy na lumalala ang kaguluhan ay hindi nila agad na matatanggal ang mga sundalo.

Iginiit nito na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa nasabing lugar.