-- Advertisements --
Patay ang tinaguriang US daredevil pilot na si Mike Hughes matapos ang pagbagsak ng kaniyang homemade rocket sa edad 64.
Agad kasing bumagsak ang ginawa niyang steam-powered rocket ilang sandali lamang ng ito ay lumipad sa Barstow sa Califorina desert.
Nakilala si Hughes sa paniniwala nito na ang mundo ay flat at umaasa balang araw ay patutunayan niya ang theory nito sa pamamagitan ng pagbiyahe sa kalawakan.
Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Waldo Stakes, sinubukan ni Hughes na maabot ang may taas na 5,000 ft. habang lulan ng kaniyang rocket.
Aabot sa $18,000 ang kaniyang nagastos para mabuo ang kaniyang rocket.