Oobserabahan ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III ang pagpapakita ng Philippine Navy ng kanilang T-12 unmanned surface vessels.
Ang nasabing sasakayan ay pangunahing gagamitin sa pagprotekta ng soberanya at mag-ooperate sa Philippine exclusive economic zone sa West Philippine Sea.
Ito na ang pang-apat na pagbisita sa bansa ni Austin at ang pang-12th na biyahe niya sa Indo-Pacific mula ng maupo sa puwesto.
Makakapulong nito ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos kasama sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at ilang opisyal ng gobyerno.
Sasalubungin ni Teodoro si Austin sa isang bilateral meeting sa Camp Aguinaldo.
Sa araw naman ng Martes ay bibisitahin nila ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines na naka-base sa Palawan.
Una ng inanunsiyo ni Austin na nais ng US na dagdag na $500 milyon na foreign military financing sa Pilipinas para mapalakas ang seguridad.