Nagbabala si US Defense Secretary Lloyd Austin sa agresibong aksiyon ng China sa Indo-Pacific region at igiiniit ang kahalagahan ng dayalogo para maiwasan ang gulo.
Sa naging talumpati nito sa Asia Security Summit o mas kilala bilang Shangri-La Dialogue, sinabi ni Sec. Austin na ang kinakaharap na harassment ng PH ay mapanganib.
Binigyang diin din nito ang pagpapanatili ng dayalogo sa pagitan ng mga militar at sinabing hindi papalitan ang open lines of communication para maiwasan ang anumang di pagkakaunawaan at miscalculations.
Aniya, magiging secure lamang ang Amerika kapag ligtas o matatag ang Asya. Ito rin ang dahilan kung bakit matagal na aniyang pinapanatili ng US ang presensiya nito sa rehiyon.
Matatandaan na nitong Biyernes, nakipagkita si Austin sa Chinese counterpart nito na si Dong Jun sa sidelines ng pagtitipon kung saan inihayag nito ang concern kaugnay sa provocative military activities ng China malapit sa Taiwan.
Ito na kauna-unahang personal na pag-uusap ng 2 defense chief simula noong Nobiyembre 2022.
Samantala, binigyang diin naman ni Austin ang commitment ng US sa defense treaty nito na PH na tinawag niyang ironclad.
Nitong Biyernes naman, binatikos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilegal, coercive at agresibong aksiyon sa disputed waters sa pagbubukas ng defense forum at matapang na sinabi na nakakasira ito sa kapayapaan, stability at pag-unad sa naturang karagatan.