-- Advertisements --
south china sea war exercises west PH
A U.S. Navy guided-missile destroyer joined ships from India, Japan and the Philippine Navy to sail through the South China Sea (file photo by Japan Maritime Self Defense Force)

Mariing binatikos ni US acting Defense Secretary Patrick Shahanan ang ginagawang militarisasyon ng China sa South China Sea.

Sa kanyang naging talumpati sa taunang pagtitipon ng mga regional defense chiefs sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, hindi man pinangalanan ni Shahanan ang China pero nagpahiwatig ito sa mga “actors” daw na nagpapatindi sa tensiyon at destabilisasyon sa rehiyon.

Sinisira umano nito ang interes ng iba pang mga estado sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbaliwala sa mga “rules-based international order.”

Tinukoy din ng defense chief ng Amerika ang umano’y pagsasamantala ng makapangyarihan para magtayo ng artifical islands sa South China Sea.

Kasunod nito, nanawagan si Secretary Shahanan sa mga kaalyado sa Asya na taasan pa ang paggastos upang palakasin ang kanilang mga seguridad.

“Perhaps the greatest long-term threat to the vital interests of states across this region comes from actors who seek to undermine, rather than uphold, the rules-based international order,” ani Shanahan.

Dahil sa mga pasaring na ito ng opisyal ng Amerika, inaasahang sasagot naman bukas ang Chinese Defense Minister Wei Fenghe sa gagawin ding talumpati sa naturang prestihiyosong Asia’s security summit.

Ang maaanghang na pahayag na ito ay gitna na rin na nasa kasagsagan ng trade war ang China at Amerika.