-- Advertisements --
402083201 783914230437659 4706060456596106554 n

Nagharap si US Defense Sec. Austin at DND Sec. Teodoro, sa Jakarta.

Sa kanilang pagpupulong ay kapwa kinondena ng dalawang opisyal ang patuloy na panghaharas na ginagawa ng China sa mga barko ng Pilipinas na naglalayag sa may bahagi ng WPS.

Kabilang rin sa mga hinaharas umano ng China ay ang mga sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos na lehitimong nag-ooperate sa nasabing rehiyon.

Ginawa ng dalawang opisyal ang pahayag matapos nga ang naging pagpupulong sa “sidelines” ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Ministers’ Meeting – Plus sa Jakarta, Indonesia.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pagtataguyod ng lahat ng mga bansa na makapaglayag, magpalipad ng eroplano at mag operate ng responsable.

Ito aniya ay pinahihintulutan naman ng international law.

Ang pahayag rin na ito ay ginawa sa kabila ng dumaraming pagkabahala ng mga foreign government sa panghaharass ng China.

Tiniyak naman ng Sec. Austin ang commitment ng Estados Unidos na tumindig sa tabi ng Pilipinas.