-- Advertisements --

Personal na tinawagan ni US Defense Secretary Lloyd Austin si Russian Defense Minister Sergei Shoigu nitong Biyernes.

Sinabi ni Austin na mahalaga ang magkaroon ng bukas na linya ng bawat panig kahit na mayroong nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Huling nagkausap kasi ang dalawa ay noong Mayo 13 kung saan ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawang opisyal.

Dito ay hinikayat niya ang Russian opisyal ng agarang pagtigil ng pag-aatake.

Bago kasi ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay nagkausap ang dalawa noong Pebrero 18 o ilang araw bago ang atake.

Sa pinakahuling pag-uusap ng dalawa ay tiniyak ni Austin ang walang humpay na pagsuporta ng US sa Ukraine.