-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si United States Defense Secretary Lloyd Austin III sa susunod na linggo.

Ito ay bahagi ng kaniyang farewell call kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. at iba pang defense officials sa Indo-Pacific Region.

Ito na ang ika-apat na pagbisita ni Austin sa Pilipinas sa loob ng kaniyang panunungkulan sa ilalim ni outgoing US President Joe Biden.

Maliban sa Pilipinas, nakatakda ring bumisita si Austin sa Laos, Fiji, Australia, atbpa.

Inaasahang magtatalaga si US president-elect Donald Trump ng bagong defense chief bago ang kaniyang tuluyang pag-upo sa January 2025.

Batay sa inisyal na pahayag ng kampo ng kahahalal na pangulo, ang napipisil umanong magiging kalihim ay si Pete Hegseth, isang beterano sa Iraq at Afghanistan war.