-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa China si US Defense Secretary Mark Esper ngayong taon.

Ito ay para ipaggiitan ang paninindigan ng US sa pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Makailang beses na rin nitong nakausap ang kaniyang Chinese counterpart.

Layon aniya ng biyahe nito sa China ay para makapagtayo ng sistema na mahalaga sa crisis communication at tulong sa ibang bansa.

Magugunitang sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo na iligal ang ginagawang pagtayo ng China ng mga istraktura sa lugar.