-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sina US Defense Secretary Pete Hegseth at Defense Secretary Gilbert Teodoro sa darating na Marso 28.

Ayon sa Department of National Defense (DND) na isasagawa ang pulong ng dalawang opisyal sa Camp Aguinaldo sa lungsod ng Quezon.

Sinabi ng US Department of Defense na ang pagbisita ni Hegseth ay para mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at US.

Bago magtungo sa Pilipinas si Hegseth ay babiyahe muna ito sa Hawaii para makipagpulong sa mga sibilyan at military liders mula sa US Indo-Pacific Command.

Pagkatapos ang pagbisita nito sa Pilipinas ay magtutungo si Hegseth sa Japan para makibahagi sa paggunita ng 80th anibersaryo ng Battle of Iwo Jima.