-- Advertisements --
Kabilang ang Pilipinas na bibisitahin ni US Defense Secretary Llyod Austin.
Ayon kay Pentagon spokesman John Kirby na isa ang bansa bukod pa sa Singapore at Vietnam na mga bansang bibisitahin ni Austin.
Ibabahagi nito ang kahalagahan ng Biden-Harris Administrasyon sa Southeast Asia at sa Asean bilang essential na bahagi ng Indo-Pacific architecture.
Magsisimula ang biyahe nito sa Hulyo 23 kung saan titiyakin ng US ang pakikiisa nito sa rehiyon.