Kinoronahan nang Democratic Party sa Estados Unidos si dating Vice President Joe Biden bilang kanilang standard bearer na siyang haharap kay President Donald Trump sa darating na US presidential elections sa Nobyembre.
Nanguna sa nominasyon kay Biden ang dalawang dating Democratic US presidents na sina Bill Clinton at Jimmy Carter.
Agaw pansin naman si dating US Secretary of State Colin Powell na isang Republican, pero nag-indorso kay Biden.
Sa virtual speech ni Clinton kanyang tinuligsa si Trump dahil nagdala lamang ito ng gulo sa Oval Office at sa kanilang bansa.
Sa ikalawang araw na convention ng partido na may temang “leadership matters,” nagsilbing keynote speaker si Clinton, 72.
“Donald Trump says we’re leading the world,” ani Clinton sa kanyang five-minute pre-recorded message mula sa New York. “Well, we are the only major industrial economy to have its unemployment rate tripleā¦ At a time like this, the Oval Office should be a command centre. Instead, it’s a storm centre. There’s only chaos.”
Kung ipapaalala, ito na ang ikatlong pagtatangka ni Biden, 77, na maging presidente ng Amerika kung saan tumakbo rin siya noong taong 1988 at 2008.
Ang dating vice-president sa ilalim ni dating President Barack Obama ay pormal na naging nominee ng partido kung saan naging tampok din ang pre-recorded roll call vote sa mga delegates sa lahat ng 50 estado at naire rin sa halos virtual na convention.
Umagaw naman ng atensiyon ang 90 minuto na talumpati ni New York congresswoman Alexandria Ocasio-Cortez.
Ang tinaguriang isa rin sa “rising stars” ng Democrats ay inindorso si Vermont Senator Bernie Sanders for president at hindi man lang nabanggit si Biden.
Tinapos ang convention sa pagsasalita ni Jill Biden, na posibleng sumunod na US first lady.
Hinikayat niya ang mamamayan na Amerika na iboto ang kanyang mister sa halalan.
“The burdens we carry are heavy, and we need someone with strong shoulders,” panawagan pa ni Mrs. Biden. “I know that if we entrust this nation to Joe, he will do for your family what he did for ours, bring us together and make us whole.”
Samantala, meron pang dalawang araw na natitira sa party convention bago isagawa ang acceptance speech ni Biden.
Sa sunod namang linggo ay pagkakataon ng Republicans at gagawin ni Trump ang acceptance speech sa White House.