Dinagdagan ng US ang kanilang sundalo na ipinadala sa Europa ngayong linggo dahil sa panganib na paglusob umano ng Russia sa Ukraine.
Ayon sa Pentagon, mayroong 2,000 na sundalo na galing sa Fort Bragg, North Carolina ang ipapadala sa Poland at Germany.
Kinabibilangan ito ng 1,700 miyembro ng 82nd Airborne Division ang ipapadala sa POland at ang natitira sa Germany.
Habang ang 1,000 na nasa Germany na ay mapupunta sa Romania.
Ang nasabing bilang ay karagdagan sa 8,500 na sundalo ng US na inilagay sa alerto ng Pentagon na handang ipadala sa Europe kung kinakailangan.
Paglilinaw naman ni Pentagon Spokesperson John Kirby na ang mga sundalo ay hindi makikipaglaban sa Ukraine at sa halip ay para tiyakin ang pagdepensa ng US sa kanilang mga kaalyadong bansa.
Dagdag pa nito na ang paglalagay nila ng sundalo ay nagpapahiwatig kung gaano kahalaga sa US ang NATO at mga kaalyadong bansa.
Nauna rito itinanggi ng Russia ang kanilang balak na pag-atake sa Ukraine kahit na naglagay na sila ng mahigit 100,000 sundalo sa border nila ng nasabing bansa.
Binatikos naman ni Russian Deputy Foreign Minister Alexander Grushko ang paglalagay ng sundalo ng US dahil ito ay isang uri ng paninira na siyang magtutulak pa na magkaroon ng tensiyon sa lugar.