-- Advertisements --

Nagpadala ang US ng karagdagang walo pang F-15 fighter jets sa Poland.

Sinabi ni Poland defence minister Mariusz Blaszczak ang nasabing mga eroplano ay bilang depensa sa Russia sa posibleng pag-atake sa Ukraine.

Noong nakaraang linggo ay mayroon ng naunang walong eroplano.

Dumating na rin sa Poland ang nasa 1,700 na sundalo ng US na nakaantabay sa anumang hakbang na gagawin ng Russia.