-- Advertisements --
Dinagdagan pa ng US ang COVID-19 vaccines na ibibigay sa apat na bansa sa Africa.
Ibabahagi ito sa pamamagitan ng COVAX distribution program ng World Health Organization.
Ayon sa isang opisyal ng White House na aabot sa mahigit 1.2 milyon ang ipapamahagi na bakuna.
Kinabibilangan ito ng 250,320 doses ng Moderna vaccine na ibibigay sa Democratic Republic of Congo, 657, 080 Moderna doses para sa Uganda, 302,400 doses ng Johnson&Johnson vaccine sa Guinea at 35,100 doses na Pfizer-BioNTech na ibibigay naman sa Seychelles.
Magugunitang ang bansa sa Africa ang nahuhuli sa pagpapabakuna ng kanilang mamamayan dahil sa kakulangan ng suplay nito.