Matagumpay na na-deploy ng US Marine Corps nitong Sabado ang kanilang land-based missile system na Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS) sa Balikatan 2025 sa Luzon.
Lumahok kasi ang NMESIS sa Maritime Key Terrain Security Operations (MKTSO) – North events ng joint military exercise ng Pilipinas at US.
Ayon sa Balikatan 2025 Combined Joint Information Bureau, ang missile system ay “dinisenyo upang i-target at pigilan ang mga kaaway na pwersang pandagat, mapahusay ang kamalayan sa maritime domain at palakasin ang depensa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pag-secure ng mga pangunahing lugar sa dagat.
Dagdag pa nito na ang NMESIS ay isang combined and joint force nagbibigay ng flexible and expedient sea denial capacity na malaking bagay para sa collective defense ng dalawang bansa.
Nauna nang sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na magdedeploy ang Estados Unidos ng karagdagang advanced na kakayahan sa Pilipinas, kabilang ang NMESIS, at mataas na kakayahang unmanned surface vehicles sa panahon ng Balikatan exercises.
Nagsimula ang Balikatan 2025 noong Lunes, Abril 21, at tatagal ito hanggang Mayo 9.
Tinatayang nasa 17,000 na mga tropa ang lumahok sa taunang joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Asahan ang isang “full-scale battle scenario” sa nasaging joint exercises.