-- Advertisements --

Ipinahayag ng isang U.S. diplomat na walang karapatan ang bansang China sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay U.S. State Department counselor Derek Chollet, walang legal na karapatan ang China para angkinin ang nasabing lugar matapos itong itakda ng arbitral tribunal na maging bahagi ng Pilipinas.

Ipinahayag ito ni Chollet ilang araw matapos na sabihin ng isang opisyal ng Chinese foreign ministry na mayroong “sovereign rights” ang China sa Panatag Shoal, na malinaw na sakop ng exclusive economice zone ng Pilipinas.

Sa ilalim ng UN law of the sea treaty the second Thomas shoal at reed bank ay sinabi ng opisyal ng Amerika na kinikilala nila ang karapatan sa soberanya at hurisdiksyon ng Pilipinas sa nasabing pinag-aagawang lugar.

Dahil dito ay ipinangako ni Chollet na handang tumulong ang Estados Unidos na depensahan ang ating bansa sa oras na magkaroon ng mga pag-atake dito kabilang na ang South China Sea.

Magugunita na una nang sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin sa PCG na igalang nito ang pag-angkin ng China sa Panatag Shoal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Nag-ugat muli ang lahat ng ito makalipas na iulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “close distance maneuvering” incident ng Chinese Coast Guard sa kanilang barko.